Legal na Remedyo: PAANO KUNG DI MAKABAYAD SA RENTA NG PWESTONG INUUPAHAN?

eviction2Dear Kuya D,

Ako po si Sylvia Catacutan, 5 years na po kaming umuupa ng isang unit sa isang commercial building dito sa Baguio City, nagbebenta po kami ng dry goods na ina-angkat pa namin sa Divisoria. Noong una maganda naman po ang daloy ng negosyo namin kaya updated po kami sa pagbabayad ng upa. Kaya lang naging delayed na po ang aming payments nang malugi ang aming negosyo.

Sa kasalukuyan, eight (8) months na po kaming delayed sa pagbayad ng upa. Humihingi po kami ng palugit pero sadyang malupit ang nagpapa-upa sa amin at ora-orada na kaming pinapalayas. Di po nila kami binibigyan ng contrata at nag-research po kami at nakita namin na walang permit sa city hall ang nagpapa-upa sa amin. Ang mga tanong ko po ay:

  • Pwede po bang gamiting rason na nalulugi kami kaya delayed ang payments namin?
  • Wala po kaming kontrata na pinirmahan, legal po ba ang agad agarang pag-papa-alis sa amin?
  • Dapat parin po ba kaming mag-bayad ng upa kahit nalaman namin na walang permit mag-paupa ang aming inuupahan?

Sana po ay masagot niyo ang aking mga katanungan, maraming salamat po.

Dear Ms. Sylvia Catacutan,

Bago ko sagutin ang mga tanong mo, nais ko lang i-explain na ang mga sagot ko ay hindi ko i-babbase sa Republic Act 9653 or Rental Control Act of 2009 dahil residential units lang ang saklaw ng nasabing batas. Ang mga sagot sa iyong katanungan ay base sa New Civil Code of the Philippines.

  1. Pwede po bang gamiting rason na nalulugi kami kaya delayed ang payments namin?  

Sagot: Ayon sa Article. 1658 of the Civil Code – The lessee may suspend the payment of the rent in case the lessor fails to make the necessary repairs or to maintain the lessee in peaceful and adequate enjoyment of the property leases.

Klaro sa batas na pwede mo lang i-suspend o i-delay ang iyong payments kung yung landlord mo ay hindi inayos ang mga karapat-dapat ayusin sa iyong inu-upahan o di kaya ay di nila ma-maintain at masiguro ang iyong malayang paggamit sa property na iyong inuupahan.

Kaya ang pag-kalugi mo ay hindi legal na rason para ma-delay ka sa pagbabayad ng iyong upa. Pero siyempre, ibang usapan pa din kung madaling kausap ang lessor mo, lahat naman ay nadadala sa usapan.

     2. Wala po kaming kontrata na pinirmahan, legal po ba ang agad agarang pag-papa-alis sa amin kahit 5 years na kaming umuupa sa kanila?

Sagot: Under Article 1687 of the New Civil Code –

If the period for the lease has not been fixed, it is understood to be from year to year, if the rent agreed upon is annual; from month to month, if it is monthly; xxx However, even though a monthly rent is paid, and no period for the lease has been set, the courts may fix a longer term for the lease after the lessee has occupied the premises for over one year. xxx

Based on the above article, dahil wala kayong kontratang pinirmahan at monthly ang bayaran ng inyong renta, ibig lang sabihin niyan na monthly ang renewal niyo. Kaya pwedeng mag-decide sila na di na kayo i-renew next month.

Sa tanong mo kung pwede ba nila kayong paalisin nang agad-agaran –

Under Article 1673 of the New Civil Code –

The lessor may judicially eject the lessee for any of the following causes:

(1) When the period agreed upon, or that which is fixed for the duration of leases under Articles 1682 and 1687, has expired;

(2) Lack of payment of the price stipulated;

(3) Violation of any of the conditions agreed upon in the contract;

(4) When the lessee devotes the thing leased to any use or service not stipulated which causes the deterioration thereof; or if he does not observe the requirement in No. 2 of Article 1657, as regards the use thereof.

xxx”

Pwede ka nilang paalisin pero dapat ay daanin nila ito sa proseso sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng demand to pay and vacate and usually you are given 5 days to comply.

Kung di naman kayo nag-comply ay maaari silang mag file ng UNLAWFUL DETAINER against you.

Pag naka-file na sila ng case, you will be given time to answer their complaint, dun mo na sabihin na 5 years na kayong umuupa at humiling ka sa korte kung pwedeng i-extend pa ang pag-upa niyo dahil more than one year naman na kayo diyan. But you have to give the court a good reason kung bakit kailangan i-extend pa yan e di naman na kayo nakakabayad ng renta.

Pero payong kapatid lang, kung di na ninyo kayang bayaran ang renta at kung lugi na rin lang kayo, magandang i-vacate niyo nalang ang inuupahan niyo para di na mag-accumulate ang unpaid rentals niyo at maki-compromise nalang kayo kung paano niyo babayaran ang arrears para naman mag-generate na ng income ang landlord niyo.

     3. Dapat parin po ba kaming mag-bayad ng upa kahit nalaman namin na walang permit mag-paupa ang aming inuupahan?

Sagot: Oo naman, ibang issue ang hindi nila pagkakaroon ng  permit. Liable sila sa city government pero hindi sila liable sa                    inyo kaya magandang bayaran niyo nalang ang renta niyo.

Paalala lang po sa readers natin, ang legal opinion po na ito ay base lang sa kwento na naibigay sa amin at sa aming pagkaka-intindi nito. Maaaring magbago ang aming opinion kung may karagdagang kwento.

Sana ay naliwanagan namin ang iyong mga katanungan Ms. Sylvia Catacutan.

Note: Para sa mga legal na katanungan, maari po kayong mag-iwan ng message sa aming facebook page, just click the picture below para ma-direct kayo sa aming facebook page:

dexter 123
Click me to visit to our facebook page.

This article is brought to you by:

We offer Baby, Toddler/Nursery & Kindergarten Classes in small groups.  For inquiries call 09178120753.  Visit us at 2nd Floor, Luke Foundation Building, #90 Leonard Wood Road, Baguio City.
We offer Baby, Toddler/Nursery & Kindergarten Classes in small groups. For inquiries call 09178120753. Visit us at 2nd Floor, Luke Foundation Building, #90 Leonard Wood Road, Baguio City.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: