WHAT TO DO IF YOU RECEIVED A SUBPOENA? (PHILIPPINE SETTING)

Dear Kuya D,

Ako po si Stephanie Paa, Nakatanggap po ako ng subpoena na may kaugnayan sa kasong estafa.  First time ko po kasi, ano po ang gagawin ko? Nagpapanic na po ako!! (I recevied a subpoena that has  something to do with estafa.  This is my first time, what should I do?  I am in panic!!)

Sagot: 

Based on your question, may balak ka pa bang mag-second time?  Una, siguraduhin mo muna na pangalan mo nga ang nasa subpoena at baka sa kapitbahay mo lang pala yan.  Pero kung pangalan mo nga e huwag nang magpatumpik tumpik pa at sundin ang mga sumusunod na payo:

1)   Don’t panic: Andyan na yan so harapin mo nalang.  Once you receive a subpoena, you are actually being directed to answer the complaint within ten (10) days from receipt thereof so focus at huwag magmukmuk sa kwarto, otherwise, warrant of arrest ang susunod na kakatok sayo;

2)   Don’t procrastinate: Since you are given only ten (10) days, you have to immediately go to a legit lawyer-batchmate, lawyer-neighbor, lawyer-friend, lawyer-suitor, retained lawyer or any kind of lawyer whom you think can help you.  Warning lang, never go to a lawyer-lawyeran or a person who gives advise based on the many cases that he faced as an accused.  Ang daming clients who only approached a lawyer on the last minute dahil inuna nila ang pagtatanong sa kanilang mga kaibigan na nagkaroon din ng kaso noon.  Kulang nalang e sa bolang crystal sila mag-consult.

3)   Follow the advise of your trusted lawyer.  Kapag pumunta ka na sa abogado, he will usually advise you whether it is sound to submit a counter-affidavit or just wait for the case to be elevated in court para doon nalang sagutin.  Case to case basis yan.  Please take note na hindi porket sinabi ng abogado mo na huwag na mag-submit ng counter–affidavit e tinatamad ang abogado, or in the case of private lawyers, hindi porket sinabi nilang mag-submit ng counter –affidavit e mukhang legal fees na sila.  Sabi ko nga, lumapit kayo sa abogado na dapat wala kayong trust issues dahil hindi healthy na pinagdududahan niyo ang isa’t isa.

4)   Wait and pray.  After submitting your counter-affidavit or after deciding not to submit one, wait mo nalang yung resolution ng prosecutor kung dismissed ba yung na-file sayo or naka-hanap ng probable cause kaya i-aakyat siya sa korte.  Kapag naakyat na siya sa korte, dun nalang kayo magpakitaan ng ebidensiya.

5)   Don’t expect your lawyer to do magic.  For many, they hire or go to a lawyer expecting that the lawyer will give them 100% assurance na panalo sila sa kaso.  It does not work that way.  Lawyers and judges only rely on the evidence at hand.  Pero kung madilim ang gilagid mo at gumawa ka ng kung ano anong ebidensiya para lang malusutan ang kaso mo e bahala na kayo ng abogado mo sa buhay niyo because both of you are opening yourselves to criminal liability.

The point is, never ever ignore a subpoena. Instead, immediately visit a private law office or the Public Attorneys Office nearest to you.

This legal opinion is based solely on the question that you asked.  The legal remedies may vary if there are additional facts.

(pic courtesy of http://pixshark.com/anxiety-attack-cartoon.htm)

That BAGUIO CITY WEDDING you've been dreaming about?  IT'S REAL! VISIT SOULSCENT FLORAL ARTISTRY and make it happen. NOW!
That BAGUIO CITY WEDDING you’ve been dreaming about? IT’S REAL! VISIT SOULSCENT FLORAL ARTISTRY and make it happen. NOW!

7 thoughts on “WHAT TO DO IF YOU RECEIVED A SUBPOENA? (PHILIPPINE SETTING)

Add yours

    1. Yes you are partially right. It can also be issued by a prosecutor. In the instant case, the subpoena is issued by the prosecutor ordering the respondent to submit a counter affidavit in her defense. 🙂 Failure on the part of the respondent as waiver to present her defense in that stage will leave the prosecutor with no other choice but to resolve it based on the evidence available.

      Like

      1. Sir, kung sa PAO ka po ba lumapit at sinabi ng lawyer na magsusubmit ng counter affidavit may bayad po ba yun or any instance na magbabayad ka?

        Like

      2. Hi norbie, wala pong babayaran sa PAO. 🙂 Just make sure that you are qualified. Bring with you a certificate of indigency to prove that you are indigent plus may income requirement din sila. Dapat below 14k if you are living within metro manila, 13k if you are living in any other cities, 12k if living in municipalities.

        Like

  1. Sir, pano po malalaman kung may nagfile ng demands Laban sayo? Wala po akong natatanggap na subpoena basta ang sabi lang sa akin ay dinimanda nila ako. Pano ako magpafile ng counter affidavit kung wala naman dumarating na kahit na anong notice galing sa RTC.?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: