BOARDER NA NAG-JOGGING, DI NA NAKABALIK.

PUBLIC SERVICE:

PIC COURTESY OF www.adventure-journal.com
PIC COURTESY OF www.adventure-journal.com

Dear Kuya D,

Nagpaparenta po ako ng boarding house, madami po sa kanila na kung hindi na makabayad ay umaalis ng madaling araw.  Itong huli po nahuli ko na palabas mga alas tres po ng madaling araw, sabi po niya na magjo-jogging lang siya.  Pero di ko po maintindihan kung bakit kailangan niyang dalhin ang kanyang TV at mga maleta sa pagjo-jogging.  Tatlong araw na po, hanggang ngayon e di pa po siya bumabalik mula sa kanyang pag-jojogging.  Ano po ba ang pwede kong ikaso sa kanya?

Sagot:

Kaso agad agad? Malay mo naman baka athletic lang siya at natagalan lang siya sa pagjo-jogging. Pero kung di na talaga bumalik ay pwede kang mag-file ng estafa laban sa mga athletic na boarders na ganyan.

Ayon sa batas, ang sino man na kumuha ng serbisyo na may kaugnayan sa pagkain, merienda or accommodation sa hotel, inn, restaurant, boarding house, lodging house, or apartment house nang hindi nagbabayad at may intensyon na manloko ay pwedeng makulong dahil sa kasong Swindling o Estafa under Article 315, paragraph (e) ng Revised Penal Code.

Tip:

  • Agad agad itong i-pa blotter at hanapin ang kanilang bagong address.  Kung walang address, bale wala rin lang dahil hindi nila matatanggap ang ano mang demanda na ifa-file mo;
  • Para sa mga nag-papa-upa, kilatisin ng mabuti ang mga boarders bago magpa-renta, marami na ang fly by night ngayon;
  • Para sa mga umuupa, umupa lang kasi ng afford at rumaket ng todo para may pambayad ng upa.

 

Note:  Ang legal opinion na ito ay base lang sa katanungan sa taas at maaring magbago kung may karagdagang kwento.

That BAGUIO CITY WEDDING you've been dreaming about?  IT'S REAL! VISIT SOULSCENT FLORAL ARTISTRY and make it happen. NOW!
That BAGUIO CITY WEDDING you’ve been dreaming about? IT’S REAL! VISIT SOULSCENT FLORAL ARTISTRY and make it happen. NOW!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: