BENEFITS NG ISANG UKAY UKAY SALESLADY SA BAGUIO CITY.

Dear Kuya D,

Ako po si Elma Quijanio, meron po akong Ukay-Ukay shop dito sa may Baguio City at may dalawa po akong saleslady. Gusto ko lang pong tanungin kung magkano ba ang minimum na bayad sa mga saleslady at kelan po ba sila entitled sa benefits tulad ng SSS?

Isa pa po, ayaw po nilang makaltasan ng SSS. Ano po ang mga pwedeng mangyari kung di ko sila kinakaltasan ng contribution nila sa SSS?

baguio_ukay_ukay_2
Ukay Ukay fever in Baguio City. (photo grabbed from www.travebook.ph)

Dear Elma,

Aking hinimay ang iyong mga katanungan at sinagot sila isa isa sa baba:

1) Magkano ang minimum na bayad sa mga saleslady dito sa Baguio City?

2) Kelan entitled sa SSS benefits ang isang empleyado?

3) Ano ang pwedeng mangyari kung ayaw nilang makaltasan ng SSS?

Magkano ang minimum na bayad sa mga saleslady dito sa Baguio City?

Dito sa Baguio City, ang minimum wage ay:

Retail/Service Basic Minimum Wage COLA TOTAL
Employing more than 10 workers            243.00          37.00       280.00
Employing 10 workers or less          223.00             37.00         260.00

Dahil may dalawa ka lang na saleslady, klarong base sa chart sa taas, ang minimum wage nila ay P260.00/day.  Pwede ka namang mag bigay ng mas mataas kung gusto mo. Ang nakasaad lang diyan ay minimum, ibig sabihin, di pwede bumaba diyan.

Kelan entitled sa SSS benefits ang isang empleyado?

Ayon sa Section 10 ng R.A. 1161 as amended by R.A. 8282, ang effective date ng coverage ng isang empleyado ay sa araw ng kanyang employment.  Ibig lang sabihin na kahit isang buwan lang siyang employed ay entitled na siya sa SSS benefits.  Siyempre may corresponding contribution ang employer at employee diyan.

Ano ang pwedeng mangyari kung ayaw nilang makaltasan ng SSS?

Hindi po sila pwedeng tumanggi na makaltasan.  Ang pwede pong mangyari, pwede kayong habulin ng SSS at pwede kayong makasuhan sa paglabag sa batas dahil obligasyon niyo bilang isang employer ang kaltasan sila at i-remit ang kanilang contribution.

Huwag po kayong padadala kapag sinasabi na huwag nalang silang kaltasan dahil bali-baliktarin man ang mundo ay magiging liable kayo.  Lalo pa kung naka-away niyo ang saleslady niyo at binaligtad niya kayo at sinabi sa himpilan ng SSS na hindi kayo nagbabayad ng contributions niya e di kayo ang talo.  Hindi po kasi depensa na napagkasunduan niyo na hindi siya kaltasan dahil bawal ang kasunduan na iyan. Kaya maigi pa rin na sumunod sa batas.

Ayon sa R.A. 1161 as amended by R.A. 8282 (SOCIAL SECURITY SYSTEM) ito ang mga duties at liabilites ng isang employer:

DUTIES OF THE EMPLOYER:

1)  To pay employer’s contribution in accordance with the schedule provided in this Act;

2) To deduct and to remit employees’ contributions;

3) To immediately report to the SSS the names, ages, civil status, occupations, salaries and dependents of all his employees who are subject to compulsary coverage;

4) To keep true and accurate work records for such period and containing such information as the Commission may prescribe;

5) To require, as a condition to employment, the presentation of a registration number secured by the prospective employee from the SSS in accordance with such procedure as the SSS may adopt;

6) To notify the SSS of the confinement within five (5) calendar days after receipt of the notification from the employee member; and

7) To advance in two equal monthly installments the maternity leave benefits within thirty (30) days from the filing of the maternity leave application.

At kung sakaling pumalya ka sa mga duties na yan, eto ang mga liabilities para magising ka ng konti at maging strikto sa pag-kaltas ng SSS contributions ng mga saleslady mo:

LIABILITIES OF THE EMPLOYER:

1) The employer shall pay to the SSS damages equivalent to the benefits, which said employee member would otherwise have been entitled to, for his failure to remit the required contributions;

2) To pay, besides the contribution, a penalty thereon of 3% per month from the date the contribution falls due until paid, for his failure to deduct and remit contributions;

3) To pay to the SSS damages equivalent to the benefits, which said employee member would have been entitled to had his name been reported on time by the employer to the SSS, for his failure to report matters required upon him; and

4) To pay to the SSS damages equivalent to the difference between the amount of benefits, to which the employee member or his beneficiary would have been entitled to had the proper contributions been remitted to the SSS, and the amount payable on the basis of contributions actually remitted, for his misrepresentation of the true date of employment of the employee member or for remittance to the SSS contributions less than those required in this Act or for failure to remit any contributions due prior to the date of contingency. 

PAYONG KAPATID:

Para maiwasan ang pagdagsa ng mga kaso, maari lamang po na sundin ang nakasaad sa batas patungkol sa sweldo ng mga empleyado.  Huwag din pong mag-give in kung ayaw nilang pakaltas ng SSS contribution dahil kayo po ang babalikan ng batas.  Naiintindihan ko po na maaring kulang sa pang-araw araw nila kaya ayaw nilang pakaltas pero paki-explain nalang na for their own good din kapag updated ang contributions nila.

Kung malakas naman ang benta, hindi rin masama na itaas ang sweldo nila para maging masaya din sila. 🙂 Share the blessings ika nga.

Sana ay nasagot ko ang iyong mga katanungan Madam Elma.  Paalala lang po na ang aking mga payo ay base lang sa katanungan niyo at maaaring mabago kung may karagdagang detalye.

Please share this article nalang po if it helped you.


CLICK THIS LINK FOR JOB OPPORTUNITIES IN BAGUIO CITY.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: