10 MISTERYO AT KABABALAGHAN KUNG BAKIT WALA KA PANG TRABAHO.

it_is_a_mystery_by_ToFB_The_BaconatorSa panahon ngayon, napakalakas ng kumpetisyon pagdating sa paghahanap ng trabaho.  Napakaraming graduates ang nag-uunahan na mag-apply para makamit ang matamis na OO ng isang employer.  May mga ilan na tingin palang e “you’re hired” na agad ang maririnig nila.  Pero karamihan ay napag-iiwanan at di man lang makakuha ng interview.  Ano nga ba ang mga misteryosong kababalaghan sa paghahanap ng trabaho?

 


ADVERTISEMENT

brighton logo

For BABY, TODDLER, NURSERY, PRE-K, and KINDERGARTEN programs, visit 2nd Floor, Luke Foundation Building, 90 Leonard Wood Road, Baguio City.  Look for Amanda Demandante. You can also call 09176562006 for further inquiries or CLICK THIS to visit our facebook page and chat with our marketing coordinator.


 

Eto ang SAMPUNG (10) MISTERYO at  KABABALAGHAN KUNG BAKIT WALA KA PANG TRABAHO.

1)  DI KA NAG-A-APPLY.

Mangilang-ngilan lang sa atin ang habulin ng trabaho.  Ito yung mga taong hindi na kailangan mag-apply pero may mga opportunidad na naghihintay.  So kung hindi ka kabilang sa mga taong ito, ano ang gagawin?  Mag-apply.

Huwag ma-surpresa kung wala ka pang trabaho kung ni resume e wala ka pa namang sina submit. Kung nagtataka ka na wala ka pang trabaho pero di ka naman nag-aapply, ito lang masasabi ko sa iyo:

e di wow

2) HINDI MAAYOS ANG RESUME MO.

BAD RESUME
Photo grabbed from http://www.topdesignmag.com/34-examples-of-bad-resume-designs-that-will-bring-you-a-lot-of-free-time/

Resume is the key para makakuha ka ng interview.  Kung sa resume palang ay di na maayos, baka di ka na bigyan ng chance for an interview dahil mag-rereflect ito sa kung anong klaseng emleyado ka.  Maraming samples sa internet na pwede mong gayahin kaya di dapat rason na di mo alam gumawa ng resume.

3) HINDI KA NAG-AAYOS KAPAG PUMUPUNTA KA FOR INTERVIEW.

what-not-to-wear-for-an-interview-w320h240
Photo grabbed from http://www.brucetaitassociates.net/post?s=2013-01-14-dress-to-impress-and-land-that-new-job-for-2013

I have interviewed a lot of applicants at nagtataka talaga ako sa karamihan na hindi nag-aayos pag nag papa-interview.  Meron yung mag-aapply for a managerial position pero naka-maong at t-shirt papuntang interview.

Yung mga iba naman e naka-buddy bag na parang maniningil ng pangutang sa palengke, others ay di man lang nag suklay ng bangs

Your unkempt bangs can cause you to lose your chance to get an interview.
Your unkempt bangs can cause you to lose your chance to get an interview.

At di ko maintindihan yung iba kung saan humugot ng lakas ng loob para isuot ang t-shirt na ito:

lazy and proud

Dito palang ay masasabi ko na na “you’re fired before you even get hired!”.

Pag-isipang mabuti kung ano ang magiging itsura sa pagpasa ng resume at sa interview dahil first impressions last.

Marami pong tips sa internet on how to dress up before going for an interview, mag search po because this is one major reason kung bakit di ka nakukuha sa trabaho.

4) HINDI SWAK ANG QUALIFICATIONS MO SA TRABAHONG INA-APPLAYAN MO.

When I was a fresh graduate, I thought that I can just apply to any kind of job na matipuhan ko and will get it.  Pero hindi ganun ang kalakaran.  Employers look for your background and your past job experiences.  Siyempre kung elementary teacher ang hanap nila, di na nila pag-aaksayan ng panahon na interviewin ang isang HRM graduate na ang past experience e pagtratrabaho sa mga restaurants and hotels.  Kaya huwag ka magtataka kung di ka tinatawagan for an interview.

5) KAAWAY MO ANG LINAGAY MO SA “CHARACTER REFERENCE” NG RESUME MO.

Argument
Carefully choose your character references because this will make or break your chances in getting the job.

Isiping mabuti kung sino ang ilalagay sa character reference mo dahil ang mga taong ito will make or break your chances in getting the job.

Give them a heads up na baka may tumawag sa kanila dahil baka tarayan nila ang prospective employer mo kung di nila kilala ito.

6) DINALA MO ANG NANAY MO NUNG MAGSUBMIT KA NG RESUME OR NOONG MAG-PA INTERVIEW KA.

Don't bring your mother or a guardian with you if you are going to apply for a job.  It doesn't look good and will only show that you can't stand on your own.
Don’t bring your mother or a guardian with you if you are going to apply for a job. It doesn’t look good and will only show that you can’t stand on your own.

Kung nasa tamang edad ka na, huwag mo na dalhin ang nanay mo or guardian mo sa pag-aapply ng trabaho na may pa-coach coach pa siya kung ano ang isasagot mo sa interview while you are waiting for your turn.  Kung nakita ito ng prospective employer mo e goodbye trabaho ka na.  It makes an impression kasi that you cannot stand on your own, pano pa kaya kung nasa trabaho ka na?

7) MADUMI ANG FB ACCOUNT MO.

Karamihan ng employers will check your FB account before they even interview you.  Sa mga mahilig mag-FB, dito makikita kung anong klaseng pagkatao meron ka.  Kaya sa mga mahilig mag-drama at mag-litanya sa FB, medyo iwas iwas muna.

Kung maraming natatanggal dahil sa fb posts, pano pa kaya kung pa-apply ka palang?

Ito ang isang example:

teacher post
Post ito ng teacher na natanggal sa trabaho. Kung mag-aapply ito, aba medyo mahihirapan siya, di pala niya mahal ang trabaho niya e.

8) NAKASAKAY MO SA JEEP ANG HR MANAGER AT TINARAYAN MO ITO.

I know of an instance na may isang aplikante on her way to a job interview, nakasakay niya ang isang babae, nagpa-abot ng pamasahe yung babae sa kanya, tinarayan niya ito at hindi inabot ang pamasahe.  Pagdating sa kumpanyang kanyang ina-applayan, it turned out na yung babaeng tinarayan niya ay —- ang HR MANAGER.

sapul na sapul

Moral of the story:  It pays to be kind always. hehehe

9) NATULALA KA SA INTERVIEW.

Yung tipong ang tanong palang e:  “Tell me about yourself” and you go like:

freak out
Te, tell them daw about you.

Bago sumabak sa interview, mag-research sa internet kung anong mga possible questions sa mga trabahong pinapasukan mo.  Also, there is a technique on how to answer that first question, practice lang ang kailangan.  I will share the techniques in this blog soon.

10) WALANG BAKANTE SA INA-APPLAYAN MO.

no vacancy
Photo grabbed from http://africaworldpressbooks.com/no-vacancy-a-playby-tess-onwueme/

Kung may “NO VACANCY” sign, huwag nang ipagpilitan na parang nagsisinungaling sila. Don’t be like:

di nga

So ayan, yan ang sampung misteryo at kababalaghan kung bakit wala ka pang trabaho.  Ang unang gagawin mo ngayon kung gusto mong magkatrabaho ay MAG-APPLY.


 

For career counselling, message us or book an appointment  with THE BRIGHTON, Legal, Business, and Career Consulting Center.  – CLICK THIS TO MESSAGE US ON OUR FACEBOOK PAGE. 

One thought on “10 MISTERYO AT KABABALAGHAN KUNG BAKIT WALA KA PANG TRABAHO.

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: