HENERAL LUNA: MOVIE REVIEW

Wala akong paki-alam kung mayabang ang isang tao basta ito ay nagsisilbi ng tama at taos pusong ini-aalay ang sarili para sa bayan. Ibig sabihin – MAY IPINAGYAYABANG.

Heneral-Luna the movie
John Arcilla bilang Heneral Luna, directed by Jerrold Tarog

Matapos ang pelikulang Heneral Luna ay hindi ko napigilang pumalakpak. Akala ko ay ako lang ang nag-aalab ang puso para pasalamatan ang director ng pelikulang ito na si Jerrold Tarog, pero nagkamali ako ng ang buong Cinema 4 ng SM Baguio ay sama samang nagbigay ng isang masigabong palakpakan.  Ito ang unang pagkakataon na makasaksi ako ng palakpakan sa loob ng sinehan.

Kung ako ay tatanuningin, ito ang pinakamagandang pelikulang Pilipino na napanood ko sa tanang buhay ko. Hindi ito biro.

Bakit?

  1.  MAPAPAISIP KA – Di tulad ng mga feel good movies na walang ginawa kundi patawanin tayo sa kanilang kababawan or inisin tayo sa linya ng mga kabit, kabit, at isa pang kabit, ang pelikulang ito ay pinag-aralan.  Mahihikayat kang balikan ang kasaysayan upang tanungin kung sino nga ba ang traydor?  Naging corrupt din ba si Heneral Luna at some point?

2.  MATATAWA KA – hind ka matatawa sa mga walang kabuluhang punchlines.  Matatawa ka dahil pinapakita ang totoong reaksiyon ng isang tao sa totoong buhay.  Very raw and very real ang lines.

3. MABUBUHAY ANG PAGMAMAHAL MO SA PILIPINAS – maiinis ka sa mga traydor at kurakot pero mapapa-isip ka rin kung ano nga ba ang nagawa mo para sa bayan?

Matapos kong mapanood ang pelikula ay nagkaroon ng panibagong kahulugan sa akin ang pagsasakripisyo para sa bayan, ang pagbibigay ng tapat na serbisyo publiko. Kung tutuusin nga ay hindi sakripisyo ito dahil binabayaran ng gobyerno ang kanyang mga empleyado. Mga empleyadong hindi naman lahat naroon para pagsilbihan ang bayan kundi para lang makatanggap ng sweldo sa akinse at katapusan. Bato bato sa langit, ang tamaan ay dapat magresign na dahil wala kayong lugar sa apat na sulok ng inyong mga opisina.

Ako ay isang empleyado ng gobyerno, sumusweldo mula sa kaban ng sambayanang Pilipino. Hindi man ako sundalo ngunit ako, katulad nila ay humaharap sa pang-araw araw na digmaan, ang pakikidigma sa aking makasariling pag-iisip para makapagbigay ng tapat at taos pusong serbisyo para sa bayan.

Hinihikayat ko ang buong Pilipinas na panoorin ang Heneral Luna. Lalo na ang ating mga politiko at mga nagnanais magtrabaho sa gobyerno. Ito ang pelikulang bubuhay ng ating pagmamahal sa bayan. Pagmamahal na kailangan natin upang makamit ang tunay na kalayaan, kalayaan mula sa kulungan na ginawa natin para sa ating mga sarili – ang katamaran at makasariling mga agenda na patuloy na naglulugmok sa ating bayan sa sumpa ng kahirapan.

Muli, salamat Jerrold Tarog at sa lahat ng bumubuo ng pelikulang ito. Heneral Luna – hindi lang isang pelikula, ito ay isang instrumento upang buhayin ang  pagmamahal ng isang Pilipino sa kanyang lupang sinilangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: