HENERAL LUNA: MOVIE REVIEW

Wala akong paki-alam kung mayabang ang isang tao basta ito ay nagsisilbi ng tama at taos pusong ini-aalay ang sarili para sa bayan. Ibig sabihin – MAY IPINAGYAYABANG.

Heneral-Luna the movie
John Arcilla bilang Heneral Luna, directed by Jerrold Tarog

Matapos ang pelikulang Heneral Luna ay hindi ko napigilang pumalakpak. Akala ko ay ako lang ang nag-aalab ang puso para pasalamatan ang director ng pelikulang ito na si Jerrold Tarog, pero nagkamali ako ng ang buong Cinema 4 ng SM Baguio ay sama samang nagbigay ng isang masigabong palakpakan.  Ito ang unang pagkakataon na makasaksi ako ng palakpakan sa loob ng sinehan.

Kung ako ay tatanuningin, ito ang pinakamagandang pelikulang Pilipino na napanood ko sa tanang buhay ko. Hindi ito biro.

Bakit?

  1.  MAPAPAISIP KA – Di tulad ng mga feel good movies na walang ginawa kundi patawanin tayo sa kanilang kababawan or inisin tayo sa linya ng mga kabit, kabit, at isa pang kabit, ang pelikulang ito ay pinag-aralan.  Mahihikayat kang balikan ang kasaysayan upang tanungin kung sino nga ba ang traydor?  Naging corrupt din ba si Heneral Luna at some point?

2.  MATATAWA KA – hind ka matatawa sa mga walang kabuluhang punchlines.  Matatawa ka dahil pinapakita ang totoong reaksiyon ng isang tao sa totoong buhay.  Very raw and very real ang lines.

3. MABUBUHAY ANG PAGMAMAHAL MO SA PILIPINAS – maiinis ka sa mga traydor at kurakot pero mapapa-isip ka rin kung ano nga ba ang nagawa mo para sa bayan?

Matapos kong mapanood ang pelikula ay nagkaroon ng panibagong kahulugan sa akin ang pagsasakripisyo para sa bayan, ang pagbibigay ng tapat na serbisyo publiko. Kung tutuusin nga ay hindi sakripisyo ito dahil binabayaran ng gobyerno ang kanyang mga empleyado. Mga empleyadong hindi naman lahat naroon para pagsilbihan ang bayan kundi para lang makatanggap ng sweldo sa akinse at katapusan. Bato bato sa langit, ang tamaan ay dapat magresign na dahil wala kayong lugar sa apat na sulok ng inyong mga opisina.

Ako ay isang empleyado ng gobyerno, sumusweldo mula sa kaban ng sambayanang Pilipino. Hindi man ako sundalo ngunit ako, katulad nila ay humaharap sa pang-araw araw na digmaan, ang pakikidigma sa aking makasariling pag-iisip para makapagbigay ng tapat at taos pusong serbisyo para sa bayan.

Hinihikayat ko ang buong Pilipinas na panoorin ang Heneral Luna. Lalo na ang ating mga politiko at mga nagnanais magtrabaho sa gobyerno. Ito ang pelikulang bubuhay ng ating pagmamahal sa bayan. Pagmamahal na kailangan natin upang makamit ang tunay na kalayaan, kalayaan mula sa kulungan na ginawa natin para sa ating mga sarili – ang katamaran at makasariling mga agenda na patuloy na naglulugmok sa ating bayan sa sumpa ng kahirapan.

Muli, salamat Jerrold Tarog at sa lahat ng bumubuo ng pelikulang ito. Heneral Luna – hindi lang isang pelikula, ito ay isang instrumento upang buhayin ang  pagmamahal ng isang Pilipino sa kanyang lupang sinilangan.

HOW TO PREPARE BINALAYOK: PANGAKO SA’YO INSPIRED, GAYUMA RECIPE.

If you have been watching Pangako Sa’yo remake featuring the characters of Amor Powers and Claudia Salameda, you might be wondering what is “binalayok” and how it is being cooked.  I have the same question so I did my own research for me to be able to share to you how this binalayok is prepared.

Jodi Santa Maria portraying the character of Amor who made binalayok famous.
Jodi Santamaria portraying the character of Amor who made binalayok famous.
This is how binalayok looks like as captured from our television.
This is how binalayok looks like as captured from our television.  Parang Big Mac lang ang itsura from this point of view.

Based on my research, here are the things that you need to have to be able to come up with this mouth watering delicacy.

Ingredients:

1) 2 plates made out of clay, 1 big and 1 small.

SInce we don't have a clay pot, a chinaware will do.  Make sure lang that the chinaware will fit in your oven.
SInce we don’t have clay plates, a chinaware will do. Make sure lang that the chinaware will fit in your oven.
Ito yung mas maliit na chinaware.
Ito yung mas maliit na chinaware.

2.  A COCONUT LAMP

IMG_0760
This will add to the warmth of the room as you prepare your binalayok. Remember, dapat 27 degrees ang temperature ng room while you are cooking this, otherwise hindi ma-aachieve ang taste na nakakabaliw.
Turn the lamp on to achieve the desired temperature and for proper lighting effects.  Moreover, it will also set a peaceful ambiance while you prepare the binalayok.  Preparing a binalayok is not just being done to fill hungry stomachs.  According to history, this is also made to calm ones soul.
Dramatically turn the lamp on to achieve the desired temperature and for proper lighting effects. Moreover, it will also set a peaceful ambiance while you prepare the binalayok. Preparing a binalayok is not just being done to fill hungry stomachs. According to history, this is also made to calm ones soul.
If you are already sure that your soul is calm then you can continue preparing the other ingredients.  Let's move to the third ingredient.
If you look like this and you are already sure that your soul is calm then you can continue preparing the other ingredients. Let’s move to the third ingredient.

3) BIGAS

Kailangang piling piling butil ng bigas ang gamitin sa pagawa ng binalayok.  HIndi pwede ang dinurado, jasmine or burdagol.  Look for a scented one na galing Japan so that you will achieve the stickiness required.
Kailangang piling piling butil ng bigas ang gamitin sa pagawa ng binalayok. HIndi pwede ang dinurado, jasmine or burdagol. Look for a scented one na galing Japan so that you will achieve the stickiness required.  Pick the best 100 grains, no more no less.

4) MARTILYO

Martilyo sana pero kung wala kayo nun pwede narin ang batong panghilod.  Just make sure na wala kayong residue ng libag diyan para walang added unnecessary saltiness sa inyong finished product.
Martilyo sana pero kung wala kayo nun pwede narin ang batong panghilod. Just make sure na wala kayong residue ng libag diyan para walang added unnecessary saltiness sa inyong finished product.

5) YELLOW BANANA

IMG_0792
Preferred ang yellow na saging dahil kung itim na ito ay malamang bulok na siya so choose something fresh. Don’t use kambal na saging dahil magiging iba ang lasa nito. Dapat ung walang kakambal sa uma.

6) TURMERIC POWDER or also known as rhizomatous herbaceous perennial plant of the ginger family.

IMG_0793
According to wikipedia, this is a native in southwest India, and needs temperatures between 20 and 30 °C and a considerable amount of annual rainfall to thrive. This specific ingredient will add spice to the binalayok. Use only 1 pinch of the turmeric powder.  Please only look for the turmeric that grew in soutwest india, in case from southeast india ang turmeric na gamit mo, medyo iba ang lasa.

7) Hazelnuts

Hazel nuts will add to the peanuty aroma of the delicacy.  Choose only the skinless hazel nuts.
Accroding din to wikipedia Hazelnut is the nut of the hazel and therefore includes any of the nuts deriving from species of the genus Corylus, especially the nuts of the species Corylus avellana. It is also known as cobnut or filbert nut according to species. Grabe naman, siyempre nut siya ng hazel diba kasi hazelnut nga. Anyways, Hazelnuts will add to the amazing aroma of the delicacy. Choose only the skinless hazelnuts.  Do not use peanuts because peanuts is not a nut of a hazel so the taste may vary.

8) COCOA SOLIDS OR POWDER

Be sure that the cocoa powder that you will use is extracted from a wild cacao.
Wiki said Cocoa solids are a mixture of many substances remaining after cocoa butter is extracted from cacao beans. When sold as an end product, it may also be called cocoa powder, cocoa, and cacao. Ahhh. What if sold siya as beginning product? Will it be called any different?

After preparing all the necessary ingredients:

IMG_0802
Happily mix all the ingredients together. With a smile, to add glow to your personality while doing it.
IMG_0775
Pagtaklubin ang maliit at malaking chinawares.
IMG_0811
Pagtaklubin ang maliit at malaking chinawares. (aerial view)
IMG_0819
Ilagay ito sa loob ng oven.  Siguraduhing sa loob ito ng oven ilagay at siguraduhing may oven kayo bago niyo simulan ang paggawa ng binalayok baka kasi marealize niyo in the end na wala pala kayong oven so sayang lang ang preparation niyo ng mga ingredients.
IMG_0821
Wait for 5 short minutes.
IMG_0824
Carefully bring it out from the oven. Use pot holders because this one is really really hot.

Before you can enjoy the hot and sticky binalayok, you need to use a hammer to break the clay plate.

IMG_0516

In our case e batong panghilod.

IMG_0832

Mahal ang chinaware so I won’t be breaking it, I changed my mind. I will just dramatically remove the top clay plate and let’s see what we have here:

IMG_0838
Close your eyes.
IMG_0842
Viola!
IMG_0846
OMG, yummy and delightful to the eyes.  The crunchiness of the banana gave it a different twist.  The cocoa on rice reminded me of my childhood when I used to eat rice with Milo.  This is a hit to my palate!  This is life changing. Now I understand why Eduardo fell in love with Amor.  Now I know.

Try the binalayok recipe and have someone who doesn’t love you love you back.  It’s actually a gayuma recipe!  Share the love, share this recipe.

Have a great day!

Disclaimer:  Using other ingredients might change the taste of your binalayok.  

If you enjoyed the article, you might want to check this too: 10 HAPPY STEPS TO BECOME A REGISTERED VOTER IN THE PHILIPPINES.